Biyernes, Setyembre 2, 2011

Kapalaran Nga Ba?

Madalas naiisip ko, "ano ba talaga ang totoong kapalaran ko?" Hindi ko maintindihan sa madalas na pagkakataon ay nakakramdam ako na hindi ito ang tunay na nakatadhana sa akin, at madalas din mas gusto ko paring maging isang tao na hindi naman talaga ako.. Ni hindi ko kayang tingnan ang aking sa sarili may magandang hinaharap, madalas ay nakikita ko ang sarili ko na ginagawa ang isang gabay na alam ko naman hindi ko kagustohan.
Masakit para sa akin ang mabuhay sa ganitong tadhana, malayo sa mga bagay na inaasahan ko, ni hindi ko nga ata pinaginipan na ako'y magkakaganito.
Mahirap mabuhay sa isang sitwasyon na wala kang magagawa dahil natatakot sa mga bagay na maaaring mangyari, natatakot na baka balanang araw ay may masabi sayo ang ibang tao.
Paaano ako babangon sa ganitong paraan ng buhya? paaano ko makukuha ang isang na gusto ko kung ang lagi inaalala ay mga taong nasa paligid ko? paaano ako matutoto kung ang lagi kong iniisip ang mga bagay na sasabihin nila.
Gusto ko maging malaya! Gusto kong makita ang mga bagay na kaya ko palang magawa sa tulong ng aking sariling kakayahan.
Ang mapibilang sa isang samahan na parang wala kang kalayaan kung ano ang iyong gusto ay lalong nagpapahipar sa akin na makapagpatuloy nang aking buhay. Mahirap mabuhay na hindi mo kayang patunayan na minsan may mga maling mga bagay silang nagagawa at may mga bagay sila na hindi nila nalalaman sa isang tao.

Hindi ko alam ko tama ba itong aking napasukan? Hindi ko kasi alam kong saan ba ako nagkamali? Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang gusto ko? Sa totoo lang hindi na ako masaya sa ganito. Lahat nalang mga bagay na ginagawa ko pakiramdam ko hindi naman para sa sarili kong kaligayahan to. Wala man nagtatanung sa akin kung ano ba ang bagay na makakapag paligaya sa akin. Madalas wala naman nakakaunawa ng lahat ng mga pinagdadaanan ko ngayon, hindi nila makita ang lahat ng mga paghihirap ko para mapatunayan sa kanila na may isang tulad ko na wala naman talagang kasalanan. Madalas ang akala nila sa akin isa akong bata, at isa yun sa mga nagpapahina sa akin upang gawin kung ano ba talaga ang nasa puso ko.
Sawa na ako!! Ayaw ko nang talagang ipagpatuloy pa ang ganitong buhay na kasama nila, nanghihinayag ako sa mga panahon na inilagi ko dito. Wala naman akong nakukuha at wala naman umiintindi sa akin. Pagod na ako gumawa para lang sa mga bagay na ikakalugod lang nila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento